Inaanunsiyo ng DCCC ang kanilang susunod na round ng mga pamumuhunan sa mga binabayarang digital, direct mail, print, at ad sa radyo para maabot ang mga botanteng may kulay. Ang bayad na pamumuhunan sa media na ito ay bahagi ng programang P.O.W.E.R. The People; ang makasaysayang eight figure investment ng DCCC para hikayatin at pakilusin ang mga komunidad na AANHPI, Black, at Latino bago ang halalan sa Nobyembre.
Nakatuon ang marunong sa kultura at matunog na kampanyang ad na ito sa paghikayat at pagpapakilos sa mga may botanteng may kulay sa pamamagitan ng nakahihimok na malikhain at nakasalin-wikang pagmemensahe– na binibigyang-diin kung paano nakatuon ang mga Democrat sa pagpapababa ng mga gastos, pagpapalawak ng access sa pangangalaga ng kalusugan, at pagprotekta sa mga pangunahing kalayaan tulad ng aborsiyon.
Ang mga binabayarang pamumuhunan ay parehong nasa DCCC Frontline at sa mga mapagtunggaling Red hanggang Blue district na may mas matataas na populasyon ng mga AANHPI, Black, at Latino na botante – mga distritong napakahalaga sa landas ng mga Democrat para mabawi ang kontrol sa Kamara.
Kabilang sa ilang mga halimbawa ng mga pamumuhunan na ito ang:
Bayad na Media para sa AANHPI Community:
CA-45: Digital na Landing Page* AAPIsforCA45.com

NV-03: Digital Landing Page* AAPIsforNV03.com

*Ang mga ad at direct-mail na nagta-target sa mga botante ng AANHPI ay nagdidirekta sa mga digital na landing page na ito na partikular sa AANHPI*
Bayad na Media para sa Black Community:
IN-01: “Bakal”

NY-04: “Pangalagaan”

Bayad na Media para sa Latino Community:
CA-22: “We Are Trabajadores” (Spanglish)
CO-08: “Colorado Una” (Spanish)

Ang mga pamumuhunan na ito ay nasa maraming wika na pinakaginagamit sa mga distritong ito kabilang ang English, Chinese, Hindi, Korean, Spanish, at Vietnamese. Ang mga distritong kasalukuyang tumatanggap ng mga pamumuhunan sa pakikipag-ugnayan ay ang CA-13, CA-22, CA-27, CA-45, CA-47, CO-08, IN-01, NE-02, NC-01, NM-02, NY-03, NY-04, NY-17, NV-03, MI-08, OH-09, OH-13, OR-06, VA-02, at VA-07.
National Engagement Director ng DCCC, Mariafernanda “Marifer” Zacarias:
“Gumawa ang DCCC ng mga makasaysayang pamumuhunan sa cycle na ito upang hikayatin at makausap ang mga botanteng may kulay na napakahalaga sa landas ng mga Democrat para mabawi ang mayorya. Sa paglunsad ng aming bayad na digital, direct mail, at mga ad sa radyo, naaabot namin ang mga botanteng may kulay sa mga platform kung saan sila gumugugol ng oras habang pinag-uusapan ang mga usapin na pinakamahalaga sa nila. Binibigyang-diin namin kung paano kumikilos ang mga Democrat upang mapababa ang mga gastos, palawakin ang pag-access sa pangangalaga ng kalusugan, at protektahan ang aborsiyon, habang ang mga MAGA Republican ay sarili lang ang inaasikaso at ang mga napakayaman.” |