Pagpapanatiling Ligtas ang Ating Mga Pamayanan
Ang bawat isa ay karapat-dapat na makaramdam ng kaligtasan sa kanilang kapookan, sa grocery store, o sa sinehan – kahit saan man sila nakatira. Ang mga Democrat sa Kamara ay aktibong nagtratrabaho para matiyak na ligtas ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapataas ng access sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, pamumuhunan sa pagpupulis ng komunidad, at pagsugpo sa mga ilegal na pagbebenta ng baril.
MGA PAG-UUSAPAN
I-copy at i-paste ang teksto sa ibaba para magamit sa iyong post sa social media, o gamitin ito bilang pagsisimulan kapag nakikipag-usap sa iyong pamilya
Nagpasa ang mga Democrat at nilagdaan ni Pangulong Biden ang batas para magbigay ng mga pamumuhunan sa buong bansa sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, na nagpapahintulot sa mga paaralan na kumuha ng mas marami pang mga social worker, tagapayo, at nars para matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang kalusugan sa pag-iisip.
Ipinasa ng mga Democrat at nilagdaan ni Pangulong Biden ang Batas sa Bipartisan Safer Communities Act, batas na may katuwiran para gawing mas ligtas ang mga komunidad at paaralan mula sa karahasan sa baril at palawakin ang mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip.
Ang mga Republican sa Kongreso ay bumoto laban sa pagbibigay ng $350 bilyon na karagdagang pagpopondo para sa mga pang-estado at lokal na pamahalaan, na karamihan ay napupunta sa kapulisan, nang bumoto sila laban sa 2021 American Rescue Plan.
Nanawagan ang mga Republican sa Kongreso na alisan ng pondo ang pederal na kapulisan at tumanggi silang suportahan ang mga pulis na nasugatan sa pag-atake noong Enero 6 sa Kapitolyo.