Pagprotekta sa Mga Pamilya Natin Mula sa Project 2025 ng mga Republican

Ang Project 2025 ay ang 900 pahinang agenda ng mga MAGA Republican  na magdudulot ng di-mababawing pinsala sa ating mga komunidad at magbibigay kay Trump ng kakayahang tuparin ang pangako niyang maging isang “diktador sa unang araw. ” Sa pamamagitan ng Project 2025, nais alisin ng mga MAGA House Republican ang ating mga kalayaan habang ginagawang mas magastos ang buhay para sa ating mga komunidad – lahat sa ngalan ng pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapangyarihan para sa malalaking korporasyon at napakayaman. Determinado ang mga House Democrat na protektahan ang mga pamilya mula sa Project 2025 ng mga MAGA Republican sa pamamagitan ng pag-adya sa karapatan sa aborsyon, pagbawas sa mga gastos, at pagpalawak ng access sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Amerikano. 

Gagawin ng Project 2025 na:

I-copy at i-paste ang teksto sa ibaba para magamit sa iyong post sa social media, o gamitin ito bilang pagsisimulan kapag nakikipag-usap sa iyong pamilya

Ipagbawal ang aborsyon sa buong bansa at isabatas ang pagsubaybay ng gobyerno sa pagbubuntis

Ipagbawal ang access sa kontrol sa panganganak at kontrasepsyon, at access sa mga fertility treatment katulad ng IVF

Patahimikin o atakihin ang mga kalaban ni Trump sa pulitika

Gawing mas ligtas ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga batas ng baril na nagproprotekta sa atin

Pataasin ang mga gastos para sa middle class habang nagbibigay ng napakalaking pagbawas sa buwis sa mga korporasyon at mga napakayaman

Gawing mas mahal ang mga inireresetang gamot para sa mga nagtratrabahong pamilya

Ilagay ang proteksiyon ng pangangalaga ng kalusugan sa alanganin para sa milyun-milyong Amerikano

Isapribado ang Medicare