PANGANGALAGA SA KALUSUGAN
Nakatuon ang mga Democrat sa Kongreso sa pagpapababa ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga nakatatanda at mga pamilya habang ang mga Republican ay nahuhumaling sa pagsira sa Social Security at pagwakas sa Medicare gaya ng alam natin. Ang mga radikal naRepublican na ito ay panganib para sa ating lahat, na sasaling sa ating mga karapatan at kalayaan, kabilang na ang pagsisikap na ipagbawal ang aborsyon at pag-alis sa kalayaan ng kababaihan na magpasya kung kailan at kung magsisimula ng isang pamilya. Ang mga Democrat sa Kongreso ang bukod-tanging nagtatanggol sa karapatan ng kababaihan na gumawa ng sarili nilang mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan.
MGA PAG-UUSAPAN
I-copy at i-paste ang teksto sa ibaba para magamit sa iyong post sa social media, o gamitin ito bilang pagsisimulan kapag nakikipag-usap sa iyong pamilya
Nagpasa ang mga Democrat ng panukalang batas upang payagan ang Medicare na makipagtawaran sa mga presyo ng gamot at nilimitahan ang mga gastos sa gamot na nakaliligtas ng buhay tulad ng insulin sa $35.
Ibinababa ng Inflation Reduction Act ng mga Democrat ang mga premium sa pangangalagang pangkalusugan nang $800 kada taon para sa 13 milyong Amerikanong saklaw sa ilalim ng Affordable Care Act.
Aktibong sinisikapng mga Republican sa Kongreso na ipagbawal ang kalayaan ng isang babae na gumawa ng sarili niyang mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan at sa huli ay nais magpasa ng pambansang pagbabawal sa pagpapalaglag.