Secure na Border at Patas na Sistema ng Imigrasyon

Ipinaglalaban ng mga House Democrat ang isang ligtas, secure, at maayos na proseso sa Southern border na nagproprotekta sa karapatan ng mga tao na humingi ng asylum at mag-immigrate nang ligal. Inilalaban din nila na maipasa ang komprehensibong reporma sa imigrasyon, kabilang ang isang landas sa pagiging mamamayan para sa mga taong deka-dekada nang nanirahan dito – tulad ng Dreamers – na pumasa sa pagsuri sa background, nagbabayad ng buwis, at gumagawa ng malalaking kontribusyon sa ating bansa. Samantala, namumulitika ang mga MAGA Republican tungkol sa border, tinatanggihan ang mga solusyon dahil sa katapatan kay Trump, at gumagamit ng mga retorika nagdudulot ng pagtatalo na naglalagay sa ating mga komunidad sa panganib. 

MGA PAG-UUSAPAN

I-copy at i-paste ang teksto sa ibaba para magamit sa iyong post sa social media, o gamitin ito bilang pagsisimulan kapag nakikipag-usap sa iyong pamilya

Lubos na sinusuportahan ng mga Amerikano ang bipartisan na reporma sa imigrasyon, pero tinanggihan ng mga MAGA Republican ang isang bipartisan na kasunduan sa border na nakadagdag sana ng pondo para sa border patrol, nakadagdag ng mga immigration judge at mga asylum officer, at nakapaglaan ng mas maraming mapagkukunan para labanan ang krisis sa fentanyl.

Ipinagyabang ni Donald Trump na pinatay niya ang Bipartisan Border Deal, at sinasabing “hindi ito mangyayari” at “lalabanan niya ito hanggang sa huli” upang mapalakas ang kanyang muling pagkahalal at agad na sumunod ang mga House Republican.

Sinubukang wakasan ni Donald Trump ang DACA program, kinuha ang mga bata mula sa kanilang ina, ay sinabing ang mga imigrante ay “nilalason ang dugo ng ating bansa,” at pinandigan pa sa planong paghiwalayin ang mga pamilya sa pamamagitan ng pag-deport sa milyun-milyong tao na naninirahan na sa U.S. sa loob ng maraming dekada.